Thursday, February 16, 2012

"ang malikot na ibon"



Ang Alamat ng Ibong Maya
"The Legend of the Tree Sparrow"




alamat ng maya legend of the tree sparrow


Talagang ang mga kabataan ngayon ay sadyang malilikot at minsa'y d mapakali sa kanilang lugar,naihahalintulad sila sa pabulang ito.Sana matuto ang mga kabataan dito sa pabulang ito.
                         Noong unang panahon, may isang batang ubod ng likot. Ang pangalan niya ay Rita. Maliban sa pagiging malikot ay may mga bagay ding ginagawa si Rita na di dapat gawin ng mga batang kasing gulang niya at dahil dito ay naiinis ang kanyang ina sa kanya.

                        Isang araw matapos mapagod sa paglalaro ay umuwi si Rita at nakita ang inang nagbabayo ng palay. Pinanood lamang niya ang kanyang ina sa ginagawa nito. Nang makapagbayo na ng isang salop ng bigas ang kanyang ina, kumuha ito mula sa lalagyan at kinain sa sobrang gutom mula sa paglalaro. Dahil ang lalagyan ay sobrang laki,hindi napansn ng ina ang anak natakpan na pala ito ng bilao. Nang matapos na ang ina sa pagbabayo ng bigas ay tinawag niya si Rita, ngunit hindi ito sumagot. Hindi niya ito mahanap sa lahat ng madalas nitong pagtaguan.

                         Nang bubuhatin na niya ang lalagyan ay nalaglag ang bilaong takip nito at may nakita siyang maliit na ibon sa loob nito. ang maliit na ibong iyon ay malikot at kumakain ng bigas. Ang ibong iyon ay si Rita na ngayon ay tinatawag ng maya.

No comments:

Post a Comment