Thursday, February 16, 2012

"Bakit Magka-away ang Pusa at ang daga"

                                     Sa ating pamumuhay sa mundong ito,di natin kayang iplease lahat ng tao.Meron pa rin tayong nagagawang mali sa kapwa.
                  Noong unang panahon, may magandang samahan ang mga pusa at daga. Isang araw, nakiusap ang Inang pusa sa Inang daga para bantayan ang anak nyang kuting na maysakit para makahanap ng manggagamot.

                 Nagpunta ang mag-inang daga sa bahay ng mga pusa at nakita ng bubuwit na may maraming pagkain at tinawag ang Inang daga. Kinain ng mag-ina ang pagkain at naubos nila lahat.

                 Nang magising ang kuting, nagpumilit syang pumunta sa kusina at nakita na ubos na lahat ang kanilang pagkain. Tinawag nyang matakaw ang mag-ina.

                Nagalit ang bubuwit sa sinabi ng kuting at kinagat sa paa ang pusa. Gumanti ang kuting sa bubuwit at nakalmot nito ang mukha ng daga. Nagalit ang Inang daga at kinagat sa paa ang kuting. Tumakas ang mag-inang daga at nagtago sa kanilang lungga.


               Sabi ng inang pusa, "Daga, daga... lumabas ka diyan sa lungga..." ngunit hindi lumabas ang mag-ina dahil sa takot.Kaya pala hanggang ngayon takot ang daga sa pusa!

No comments:

Post a Comment